Nariyan na ang pagkakataon
Ngunit piniling itapon
Eto na sana ang oras ng pag-ahon
Tila mauuwi pa ata sa pagbaon

Ngunit nanatili ang paninindigan
Naniwala sa sariling kakayahan
Hindi nagpaapi sa sinasabi ng karamihan
Dahil sa sarili’y alam na tama ang dinadaanan

Hindi iyon ang gusto
Kahit lahat sila’y boto
Iba ang tinitibok ng puso
Sabihin sa sarili, “susundin ko ito”

Positibo lamang ang nasa isip
Kahit tila sarili’y naiinip
Ang dating panaginip
Malapit mo nang makamit

Magtiwala lang sa iyong sarili
Sadyang may mga panahong hindi mapapakali
‘Wag mong iisiping ika’y mali
Balang araw magtatagumpay ka rin sa huli

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s