Kahit kailan ay hindi ko ninais
Na maniwala agad sa mga sinabi
Akala ko’y mga salita’y malinis
Nabighani na lamang sa iyong mga labi

Alam mo ang puso ko’y marupok
Ngunit gaya ng iba hindi ka nagaksaya
Ng mga oras kaya ang damdamin ay umabot na sa tuktok
Gustong sabihin sa sarili’y tama na, baka ito’y hindi mo na kaya

Pero hindi ako naniwala
Sinundan pa rin ang sarili kahit ito’y mali
Ang puso’y pinakawala
Inasam na lamang ang tamis ng bawat sandali

Ayan, dumating din ang araw na ikalulungkot
Nawasak, nasira, mga ilusyong pinaniwalaan
Mga napagtanto nauwi sa mga hugot
Sana’y ang puso’y wag nang muling hayaan

Kailan ba matututo
Dapat gamitin ang puso kasabay ng isipan
Pag nagmahal wag hayaang magpauto
Para di masira ang damdamin at humantong sa may pinagdadaanan

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s